Ang Eco-Tourism ay isang prayoridad na programa na naglalayong mapangalagaan ang ating kalikasan at hindi ito lubusang masira. Upang mapanatili ang natural na kagandahan nito sa mga susunond pang mga taon. Ang pangunahing attraction sa eco-tourism ay ang mga natural na nagagandahang lugar sa Pilipinas.
Sa kabila ng mga dumaraming turista, ay patuloy pa rin ang kanilang pangangalaga sa mga tourist spot na ito. May organisasyon sila na nagtuturo sa mga tao bago pumunta sa nasabing lugar, pinapaalalahan nila ang bawat isa sa mga bagay na hindi nila dapat gawin.
Ang eco-tourism ay tumutugon sa mga responsableng paglalakbay, at pagpapanatiling maayos ng kapaligiran.
Ito ay nagtataguyod ng mga likas na lugar, hayop at anu pa man. Ang bawat isa sa atin ay may obligasyon na pangalagaan ang ating kapaligiran para sa ating ikabubuti at ng ating kalikasan.