FREEDOM OF INFORMATION
FREEDOM OF INFORMATION
Pamilyar ka ba sa Freedom of Information ? Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Ang Freedom of Information ay isa din sa mga naituro ng aming guro sa amin, ibinahagi niya sa amin ang kahalagahan at epekto nito sa atin.
Ang FOI ay nagsusulong na maisaayos ang pamamahala sa loob ng gobyerno. Nagpapahintulot ito ng transparency sa mga dokumento at transaksyon sa loob ng gobyerno. Tayo ay magkakaroon ng "access" sa mga nangyayari sa ating pamahalaan at maiiwasan na natin ang korapsyon. Higit sa lahat ay magiging bukas at accountable ang ating mga opisyal na namumuno, maiiwasan ng sinuman ang makagawa ng hindi tama. Bukod dito, ang publiko ay magkakaroon ng karapatan na makialam o makibahagi sa anumang gagawin ng ating mga opisyales. Dahil din dito ay madali ng makikita ng publiko ang katiwalian sa loob ng gobyerno. Kung ito man ay maipapatupad ng ating kogreso o iba pang mga namumuno sa pamahalaan ay magiging isang hakbang ito upang ang ating bansa ay maging maunlad ay mapayapa.
No comments:
Post a Comment