Tuesday, October 11, 2016

HUMAN RIGHTS

HUMAN RIGHTS


Alam mo ba ang karapatan mo?

Resulta ng larawan para sa human rights tagalogAng Human Rights o Karapatang Pantao ay ang payak na karapatan at kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng tao habang siya ay nabubuhay. Karapatan nating lahat ng itrato ng naayon at maayos sapagkat tayo ay linalang ng Maylikha ng pantay-pantay. Karapatan natin na gawin kung ano ang gusto natin sa patnubay ng ating mga magulang. Karapatan nating mabuhay sa mundong ibabaw sapagkat tayo ay binigyan ng buhay ng ating Diyos upang ang lahat ng ito ay ating maranasan.
Ang kalayaan natin na magbigay ng opinyon o ideya ay karapatan natin, na magpahayag ng saloobin sa mga bagay na gusto nating malaman. Ang pantay na pagbibigay ng hustiya sa lahat ng tao, na walang nangyayaring katiwalian mayaman man ito o mahirap. Karapatan natin na ipaglaban ang ating paninindigan kung tayo ay walang ginagawang masama. Ang bawat tao ay may karapatan na mabuhay at makakuha ng trabaho ito man ay hindi nakapagtapos o walang pinag-aralan.

Resulta ng larawan para sa human rights tagalogAt bilang mga ma-aaral ay karapatan don namin na mag-aral at makatungtung sa paaralan upang maabot ang aming mga pangarap sa buhay. Marami sa mga kabataan ngayon ang hindi na nag-aaral kundi sila ay nasasabak na sa mga trabaho na wala silang alam. Ang iba naman ay napapahamak dahil nakakagaw sila ng hindi tama sa batas. 

Sa kabila ng mga Karapatang Pantao na ito ay patuloy pa rin ang pag aabuso ng mga iilan sa mga tao. Ang masakit pa dito ay nauuwi ito sa hindi magandang resulta. Tayo dapat ay magmahalan at magbigay ng respeto sa lahat upang maiwasan natin ang mga insidenteng katulad nito. 

No comments:

Post a Comment