Global Warming
Nararanasan mo din ba ang maintinding init kahit na hindi pa tirik ang araw, ang biglang pagbuhos ng ulan kahit na kanina lang ay sobrang init.Kung ito man ay iyong naranasan na, dapat ay malaman mo kung ano ang sanhi nito marahil sa una tulad ko ay wala lang ito sa atin.
Ngunit mas makakabuti kung ang bawat isa sa atin ay makialam sa problema na ating kinahaharap ngayon sa ating mundo. Ang mga nabanggit ko kanina ay mga senyales na nagbabago na nga ang ating mundo,ito ay iilan pa lang sa ating nararanasan dahil sa "global warming" na ating tinatawag. Ang "global warming" ay unti-unting pagtaas ng temperatura sa ating mundo at maiuugnay ito sa "green house effects".
Ito ay may malaking epekto sa ating lahat dahil sa pabago-bago ng klima(climate change) ay nagdudulot ito ng iba't- ibang karamdaman sa mga tao. Pagdagsa ng bagyo at mga kalamidad sa lugar, pagkamatay ng mga hayop at halaman na sanhi ng matindi init ngayon. Dahil na din sa mga dumaraming gusali o pabrika na pinapatayo o ipapatayo pa lamang ay nagkakaroon ng problema dala nito ang matinding usok na nanggagaling sa mga ito.Ang simpleng pagsunog at pag tapon mo ng mga plastic o basura ay malaki ang naidudulot nito ng masama sa ating mundo. Ang global warming ay maaari nating masulusyunan kung tayo ay magtutulungan at gawin ang mga tama at nararapat para sa ating mundo.
No comments:
Post a Comment