URBANIZATION

Nalaman ko na ang Urbanization ay ang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa mga pagbabago sa isang lugar. Tumutukoy ito sa daloy ng mga tao mula sa mga pook na rural na tungo sa mga pook na urbano. Hindi matatatwa na ang pangunahing ugat ng iba't-ibang suliraning pangkapaligiran sa mundo ay ang patuloy na paglaki ng populasyon,
dumarami ang mga tao kaya dumarami rin ang mga pangunahing kailangan nila sa likas ng yaman . Dahil dito ay maraming epekto ng naidudulot nito sa atin. Isa na dito ay ang polusyon sa hangin at tubig , problema din sa "solid waste" ang isang masamang epekto nito sa atin, ang pagtatapon ng mga basura ay isang malaking suliranin sa halos buong bansa sa daigdig. Kapag sinusunog ang basura , dumudumi ang hangin sa lugar dulot nito ay ang pagkakaroon ng iiba't-ibang karamdaman ng mga tao.
Pero bakit nga ba naglilipat ang mga tao sa mga pook urban sa kabila ng lahat na ito? Ano ang kanilang nakita bakit gusto nilang tumira sa isang lugar tulad ng Manila kaysa mga probinsya. Sa aking natutunan ito ay dahil na din sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao para sa kanilang sarili. Isang dahilan dito ay ang trabaho, mas maraming oportunidad na magkatrabaho sa mga lungsod kumpara sa mga probinsya o rural areas. Ito ay dahil sa karamihan sa mga pinapatayong mga negosyo ay matatagpuan sa mga urban areas. Isa pang dahilan ay ang mga makabagong teknolohiyang na mas nakikita sa mga lungsod. Sa larangan naman ng edukasyon ay mas gusto nila na makapag-aral sa lungsod sapagkat nandoon ang mga naggagandahang mga unibersidad. Maituturing ding advance ang urban areas sa mga pagamutan at ibang isprastratura. Sa panahon din na tinatamaan ang kalamidad ang probinsya ang lungsod ang takbuhan nila at doon ay magsisismula sila ng buhay.
Sa kabila ng lahat ng ito nakatira kaman sa rural o urban areas kailangan mo na pangalagaan ang ating kapaligiran.
No comments:
Post a Comment